SOUTH COTABATO – KAMATAYAN ang sinapit ng dalawang suicide bombers na pinaniniwalaang miyembro ng Dawlah Islamiyah Terrorists matapos manlaban sa tropa ng militar sa kabundukan ng Barangay Lamsugod, bayan ng Surallah sa lalawigang ito kahapon ng umaga.
Kinilala ang isa sa napatay na si Jeoffrey “Momoy” Nilong habang wala pang pagkakakilanlan ang kasama nito.
Sa inisyal na ulat, nagsasagawa ng operasyon ang tropa ng 5th Special Forces Battalion ng Phil. Army sa pamumuno ni Ltc Randy Banaag nang makasagupa ang grupo ng suicide bombers.
Sa pahayag ni Maj.Gen. Juvymax Uy ng 6th Infantry Battalion ng Phil. Army, ang dalawa ay konektado sa Dawlah Islamiyah- Maguid Group na responsable sa pambobomba sa Maguindanao at Sultan Kudarat. MHAR BASCO
Comments are closed.