ISABELA – DALAWANG sundalo ang nasugatan matapos ang mahigit sa 20 minutong sagupaan sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA) sa Barangay Ara, Benito Soliven.
Bago naganap ang sagupaan ng dalawang panig ay nakatanggap ang mga sundalo ng 95th Infantry Battalion Philippine Army ng isang sumbong sa pamamagitan ng isang text message mula sa mga sibilyan sa umano’y pangingikil ng pagkain ng mga miyembro ng NPA sa kanilang lugar.
Mabilis namang tumugon ang mga militar na nagbunga ng pagkakakumpiska ng dalawang baby armalite rifle at isang M14, at iba’t bang uri ng bala at magazine ng M14 at M16 rifle, backpack na pag-aari ng isang amasona at iba pang mga personal na gamit ng mga rebelde.
Napag-alamang bukod sa Barangay Ara, ay nangingikil din ang mga rebelde sa mga kalapit na barangay tulad ng Barangay Guilingan, Barangay Capuseran, Sinipit, sakop ng bayan ng Benito Solive, at Barangay DeVera, ng Cauayan City, Isabela.
Hindi pa pinangalanan ang dalawang nasugatan na sundalo sa nangyaring sagupaan, habang paniniwalaang may sugatan din sa panig ng mga NPA dahil nakita ng mga militar na may mga bakas ng dugo sa pinangyarihan ng sagupaan. IRENE GONZALES
Comments are closed.