2 SUNDALO TUMBA SA ENCOUNTER

sundalo

SAMAR –  APAT katao kabilang ang dalawang sundalo  ang nasawi sa sagupaan kahapon ng umaga   sa Barangay Olera, Calbayog City.

Ayon kay Maj. Bard Caesar P. Mazo , 8th Infantry Division Public Affairs Office-OIC, naganap ang sagupaan bandang alas-7:15 ng umaga nang masabat ng mga tauhan ng 43rd Infantry Battalion ang isang grupo ng mga armadong lalaki na umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bisinidad ng Brgy. Olera, sa Calbayog City.

Patay agad ang dalawang tauhan ng CPP-NPA na pinamumunuan ni Salvador Nordan aka Badok/Gahi na nasa ilalim ng  Sub-Regional Committee Emporium nang maaktuhan sila habang nangongolekta ng revolutionary tax, pagkain at pera sa mga residente.

Tumagal ng dalawang oras ang bakbakan na ikinasawi rin ng dalawang tauhan ng  43IB.

Nang maramdamang nalalagasan na ang kanilang hanay at sa takot na abutan ng reenforcement ay umatras na ang mga rebelde at inabandona ang dalawang kasamahang nasawi sa laban.

Narekober ng militar ang dalawang (2) M14 Rifles.

Ang dalawang sundalo na malubhang nasugatan ay unang inilikas ng Phi­lippine Air Force Tactical Operation Wing  Central  para madala sa pinakamalapit na pagamutan su­balit nalagutan din ng hininga pagsapit sa hospital.

Ayon kay Maj. Gen. Pio Q. Diṅoso III AFP, Commander, 8ID, ng Philippine Army, na nakalulungkot na kailangan pang magbuwis ng buhay ng dalawang sun­dalo at ikamatay rin ng 2 pang NPA ang maling paniniwala na ikinakalat ng CPP-NPA. VERLIN RUIZ

4 thoughts on “2 SUNDALO TUMBA SA ENCOUNTER”

  1. 145489 135552Soon after study several of the blog articles for your web site now, and that i genuinely like your method of blogging. I bookmarked it to my bookmark web site list and are checking back soon. Pls consider my internet internet site too and inform me what you consider. 993476

Comments are closed.