DALAWANG sunog ang naitala sa Cebu City at habang abala pa ang mga tauhan ng Cebu City Fire Department sa tuluyang pag-apula ng apoy sa Barangay Tinago ay isa na namang sunog ang sumiklab sa ibang barangay.
Alas-4:34 ng madaling araw, sumiklab ang apoy sa Sitio Paradise 2 sa Barangay Kinasang-an.
Ayon kay Fire Chief Inspector Noel Nelson Ababon, sa unang sunog ay 15 bahay ang naabo at umabot sa 30 bahay naman ang natupok sa ikala-wang insidente ng sunog.
Sa bahay ng isang Victor Nadera nagsimula ang apoy, at naideklarang under control ang sunog alas-5:17 ng umaga.
Wala pang hawak na kompletong ulat ang awtoridad dahil inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng dalawang sunog at ang dami ng mga naapektuhang residente. AIMEE ANOC