2 SUSPEK NA PUMATAY SA TRANSWOMAN SUMUKO

sinakal

PANGASINAN – DAHIL sa ayaw umanong patahimikin ng konsensya sumuko na ang dalawang lalaki na responsab­le sa pagpatay sa transgender woman sa bayan ng Bolinao.

Sa report na tinanggap ni P/ Col. Redrico Maranan ng Pangasinan Police Provincial Office, kinilala ang mga suspek na sina Isagani Dollaga at Michael Orpano kapwa nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na lugar.

Matatandaan na  natagpuan ang katawan ng biktimang si Jessa “Jestoni” Remiendo sa isang resort sa Barangay Patar sa bayan ng Bolinao noong Setyembre 17, 2019.

Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis na sinakal si Remiendo bukod pa sa mga sugat na nakita sa kaniyang mata.

Patuloy ang imbestigasyon sa mga suspek upang matukoy kung ano ang motibo sa pamamaslang. THONY ARCENAL

Comments are closed.