2 SUSPEK SA ‘BAYAN HAZING’ TUKOY NA NG PNP

MAYROON nang lead ang Philippine National Police (PNP) sa pagkakakilanlan ng dalawang suspek sa pagkamatay ng 18-anyos na si Ren Joseph Bayan na hinihinalang biktima ng hazing ng isang fraternity sa Jaen, Nueva Ecija

Ang dalawang suspek umano ang sinasabing sumundo sa biktima bago ang umanoy ‘final ha­zing’  at naghatid sa bangkay nito noong linggo ng hapon.

Sinabi ni PCol. Ferdinand Germino, provincial director ng Nueva Ecija Police, sasampahan na nila ng kasong homicide ang dalawa.

“Na-identify na na­min yung 2 suspect at ito ay for filing na sa court at sasampahan namin sila ng homicide in relation to hazing Law,” ayon kay Germino.

Ang bagong upong regional director ng  Police Regional Office 3 (PRO3) na si BGen. Redrico Maranan,  naman ay inatasan ang kanyang mga tauhan na tutukan ang ang imbestigasyon sa kaso.

Pinareresolba rin ni Maranan ang Bayan case sa lalong madaling panahon.

“Yay namatay na biktima ng hazing gusto natin sa lalong madaling panahon ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nung biktima nang sa ganun yung mga kamag-anak niya ay mabigyan ng hustisya yung walang saysay na pagkamatay,” ayon kay Maranan.

Bukod sa dalawang suspek, tukoy na rin ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng may-ari ng bahay kung saan isinagawa ang hazing na sasampahan ng kasong paglabag sa anti-hazing law.

Samantala, hawak na ring ng PNO ang dalawa pang biktima na nakaligtas sa initiation rights at handang tumayong testigo.

“Very vital. Very important ito kasi ito yung mga witnesses na talagang nagsasabi na kasama ang mga suspects sa kasong ito,” ayon kay Germino.

EUNICE CELARIO