PAMPANGA- ARESTADO sa isinagawang hot pursuit operation ng pinasanib na puwersa ng Bulacan Provincial Intelligence Unit, Plaridel MPS, Pampanga Provincial Intelligence Unit, at San Simon Police Station ang dalawang lalaki sa Brgy. San Juan, San Simon sa lalawigang ito.
Sa report na tinanggap ni Col. Relly Arnedo kinilala ang na arestong suspek na sina alyas Jam, 29-anyos at alyas Mar, 23-anyos, kapwa residente ng Brgy. Meysulao, Calumpit, Bulacan.
Base sa inisyal na imbestigasyon ganap na ala-5:45 ng umaga nito lamang Huwebes nang masukol ang mga suspek na sangkot sa serye ng robbery hold-up sa Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Rizal at Metro Manila.
Nabatid na huling biktima ng mga suspek ang isang Convenience Store sa Brgy. Tabang, Plaridel, Bulacan na hinoldap dakong alas-4 ng madaling araw nitong Hunyo 24.
Nakuha sa mga suspek ang kulay green na Honda CRV na may plate number ULB777 at pa na ibat-ibang plaka ng sasakyan.
Dalawang caliber.38 na walang serial numbers at mga bala, 4 na keypad cellphones at ibat-ibang damit tulad ng police patrol shirt, police bull cap, isang pares ng GOA pants at isang reflectorized police vest.
Assorted groceries, cash na P20,000, 3 piraso ng cable tie plastic handcuffs, isang claw bar, Maso at isang duct tape.
Ayon kay Cpt. Marvin Macalinao, Deputy Chief of Police Plaridel Police Station, ininquest na ang dalawa sa kasong paglabag na Robbery Holdup at RA 10591.
THONY ARCENAL