2 TAKAS NA DAYUHAN TIMBOG SA AIRPORT

CEBU- NA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Mactan International Airport (MCTA) ang dalawang dayuhang pugante na wanted sa ibat-ibang kaso sa kanilang lugar.

Ayon sa report kinilala ang mga suspek na sina Reiner Reinhold, 63-anyos, isang German national na pinaniniwalaan recidivist at violent offender at Chen Qiaolin, 30-anyos, isang Chinese national.

Batay sa impromasyon, nasakote si Reinhold noong Enero 3, pagkababa sa kanyang flight sa Mactan International Airport at si Chen ay naharang noong Enero 2 paglabag naman nito sa NAIA galing Kuala Lumpur.

Si Chen ay wanted sa China dahil sa pagkakasangkot sa Human Trafficking, telecommunication Fraud at illegal online gambling sa lalawigan ng Anhui, at hinihinalang kasabwat ito sa illegal human trafficking syndicate sa Asya.

Agad pinasakay ng Bureau of Immigration ang dalawang foreigner sa first available flight pabalik sa kanilang port of origin. FROILAN MORALLOS