2 TAUHAN NG DPWH PATAY SA GUMUHONG LUPA

Mark Villar

DALAWA ang kumpirmadong patay mula sa apat na empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa naganap na landslides habang nagsasagawa ng inspection sa lalawigan ng Ifugao.

Ayon sa report na nakarating kay Public Works and Highway Secretary Mark Villar, ang apat na biktima ay mga miyembro ng DPWH Quick Response Team na kinabibilangan ng isang driver, laborer at dalawang engineers.

Sa report ng mga tauhan ng miyembro ng retrieval operation,  natagpuan ang driver at laborer habang nawawala pa ang dalawang engineers.

Nabatid na naganap ang insidente dakong ala-5:40 noong Huwebes ng hapon sa Sito Nabito, View Point, Banaue, Ifugao Province habang nasa loob ng isang bahay nang biglang gumuho ang lupa sa itaas at natabunan ang bahay kasama ang apat na biktima.

Agad itong iniulat ng DPWH Cordillera Administrative Region Office kay Villar na kinilala ang mga biktima na sina Joel Churig, driver ;Jhon Duclog, laborer at  Engrs. John Limoh at Julius Gulayan.

Nakikipagtulungan naman ang DPWH rescue and retrieval operations sa mga tauhan ng Ifugao Provincial Mobile Force Company, Philippine National Police Banaue, Regional Mobile Force Battalion, Bureau of Fire Protection, Provincial & Municipal Disaster Risk Reduction at Management, 54th Infantry Brigade.  FROILAN MORALLOS

Comments are closed.