CALOOCAN CITY – ARESTADO ang dalawang hinihinalang karnaper sa isinagawang Oplan Sita ng mga pulis kama-kalawa ng gabi.
Kinilala ni acting Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores ang mga naarestong suspek na sina Richie Cruz, 42 ng 3145 Interior 7, Pilar St., Manuguit at Ryan Espadero, 30, ng 2304 Malaya St., Balut, kapwa ng Tondo, Manila.
Ayon kay Caloocan Police Chief for Administration Lt. Col. Ferdinand Del Rosario, unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Caloocan Police Anti-Carnapping Unit (ANCAR) hinggil sa isang taxi driver at kanyang kasama na nanghoholdap ng kanilang pasahero sa lungsod at kalapit na lugar kung saan target ng mga ito ay Chinese nationals gamit ang isang taxi na tampered ang plaka na manggagaling sa Tondo at dadaan ng A. Mabini.
Agad nagsagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng A. Mabini St. ang mga operatiba ng ANCAR sa pangunguna ni P/ Capt. Elany Valangca, bandang alas-11 ng gabi hanggang sa maispatan ang isang sedan may tampered na plaka na (ABF-9368).
Nang parahin ng mga pulis, hindi ito huminto na nauwi sa hot-pursuit operation hanggang sa maharang ang mga suspek sa kahabaan ng Julian Luna St., Gagalangin, Tondo, Manila.
Nang beripikahin, naglabas si Cruz ng peke umanong driver’s license, LTO official receipt at certification of registration ng Toyota Vios (ABF-9368) na mismatched sa original na nakalagay sa CR ng plakang (WOP-524).
Inaresto ni PCpl Ramsey Guyle Tudlong ang mga suspek at narekober sa mga ito ang naturang taxi, dalawang plaka WPO-524, isang patalim, isang cal. 38 revolver na kargado ng limang bala, limang foreigner ID at 12 piraso ng credit card.
Kasong paglabag sa RA 10883 (the new anti-carnapping law of 2016), disobedience in person in authority, RA 10591 (illegal possession of firearm), BP 6 at Omnibus election code. EVELYN GARCIA
Comments are closed.