CAMP CRAME – DALAWANG miyembro ng lawless element na sangkot sa 5-month Marawi Siege noong 2017 ang naaresto ng Regional Intelligence Unit ng National Capital Region Police Office at mga tauhan ng Quezon City Police District 1.
Kinilala ang mga suspek na sina Arnel Cabintoy alyas Abu Mus Ab1 at Feliciano Sulayao alyas Abu Muslim, pawang Islam converts.
Sinabi ni PNP Chief, General Oscar Albayalde na ang dalawa ay sumali sa Daulah Islamiyah Philippines sa ilalim ni Hajan Sawadjaan na naging lider ng Maute-Isis terrorist group.
Sina Cabintoy at Sulayao ay nasa listahan ng mga pinaghahanap ng awtoridad dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa Marawi siege.
Nabatid na isa sa nadakip ay nakapunta pa sa Saudi Arabia para magtrabaho.
Ang dalawa ay inaresto sa Tandang Sora, Quezon City noong Sabado, Hunyo 15.
Pinawi naman ni Albayalde ang pangamba na magsasagawa ng terorismo sa Metro Manila ang dalawa at pawang nagtatago lamang ang mga ito. EUNICE C.
Comments are closed.