2 TIKLO SA BUY-BUST; SA P300K SHABU NAKUMPISKA

PASAY CITY -DALAWANG high-value target (HVT) na tulak ng ilegal na droga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng Pasay police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kahapon ng sa naturang lungsod.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Jimili L. Macaraeg ang mga arestadong suspects na sina Judith Enriquez, alyas Ate Judith, 56, residente ng Vista Bonita Village, Dasmariñas, Cavite at Medrano Medina, a.k.a. Medic, 38, ng Barangay Turo Bocaue, Bulacan.

Base sa report na isinumite ni Pasay police chief P/Col. Cesar G. Paday-os kay Macaraeg, matagumpay na naisagawa ang buy-bust operation ng SDEU dakong alas 4:30 kahapon ng hapon sa parking lot ng Kenny Rodgers Roasters sa kanto ng Service Road Roxas Boulevard (northbound) at Cuneta Avenue, Pasay city.

Bago pa man maganap ang pag-aresto sa mga suspects ay nagkaroon ng pagkakataon na makipagtransakyon ang isang miyembro ng SDEU na tumayong poseur-buyer sa pamamagitan ng kanilang asset.

Nang magkasundo ang magkabilang panig na magkita sa nabanggit na lugar ay agad na inilatag ang buy-bust operation at sa ilalim ng superbisyon ni Paday-os na pinamunuan naman ni P/SMS Jonathan R. Bayot ay naging matagumpay ang kanilang operasayon na nagdulot ng pagkakaaresto nina Enriquez at Medina.

Narekober sa posesyon ng mga suspects ang isang katamtamang laki ng transparent plastic sachet na naglalaman ng 59 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P376,380; isang piraso ng 1,000 piso na buy-bust money; 79 pirasong 1,000 boodle money at isang piraso Kojic soap box.

Ang mga narekober na ebidensya sa mga suspects ay itinern-over sa SPD Crime Laboratory para sa qualitative at quantitative analysis.

Pinuri naman ni Macaraeg ang mga operatiba ng SDEU sa pamumuno ni Paday-os sa kanilang patuloy na operasyon na nagreresulta ng pag-aresto ng mga suspects na kaugnay sa revitalized anti-drug campaign ng Philippine National Police (PNP).

Dagdag pa ni Macaraeg na ang SPD ay naging masigasig sa pagpapatigil ng paglaganap ng ilegal na droga para sa mas ligtas na Southern Metro.

Kasalukuyang nakapiit sa IDMS Custodial Facility ng Pasay police ang mga suspects na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng Republic Act (RA) 9165. Marivic Fernandez

2 thoughts on “2 TIKLO SA BUY-BUST; SA P300K SHABU NAKUMPISKA”

Comments are closed.