2 TIKLO SA ILLEGAL LOGGING

illegal logging

BATAAN – ARESTADO ang dalawang lalaki na nagbibiyahe ng umano’y hot logs matapos masabat ng mga awtoridad ang isang mini-truck na may kargang mga kahoy na ipupuslit na sana sa Brgy. Mabiga, Hermosa.

Batay sa ulat ni Hermosa Municipal Police Station Chief of Police Sr. Insp. Phoe Pangan kay Bataan Police Director Sr. Supt. Marcelo Dayag, nakilala ang mga naarestong sina Jarnold Macalalad, 38-anyos at Richard Balelin, 43-anyos at driver ng nahuling trak.

Isang tawag umano ang natanggap ng pulisya mula sa isang konsernadong mamamayan na may nagaganap na illegal logging sa lugar, kaya agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad kung saan naaktuhang ibibiyahe na ang mahigit 1,000 board feet ng mga kahoy na mahogany.

Mayroon umanong ipinakitang dokumento ang mga suspek pero hindi tugma  sa dalang kargamento na nagkakahalaga ng P80,000. ROEL TARAYAO

2 thoughts on “2 TIKLO SA ILLEGAL LOGGING”

Comments are closed.