2 TIMBOG SA ILEGAL NA PAGGAWA NG PAPUTOK

BULACAN- PAGLABAG sa RA 7183 (Illegal manufacture of firecrackers and pyrotechnics device) ang kakaharapin na kaso ng dalawa katao nang mahuli sa akto na gumagawa ng paputok sa Brgy, Batia sa bayan ng Bocaue.

Kinilala ni Bulacan Provincial Director OIC Lt.Col. Jacqueline Puapo ang mga suspek na sina Rowena De Jesus y Salvador, 38-anyos at Josell Santos y Enriquez, 31-anyos, kapwa residente ng Blk 8, Lot 13, Northville 5, Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan.

Natukoy ang lugar na umano’y ilegal na gumagawa ng paputok sa tulong ng concern citizen.

Kasunod nito, kinumpiska ng mga pulis ang 20 packs ng roman candles na tig-100 pcs, 2 bundles ng roman candles na tig-500 pcs, isang sako na naglalaman ng 2000 pcs ng hindi pa natapos na roman candles.

Kumpiskado rin ang mga gamit sa paggawa ng ilegal na pailaw at paputok na nagkakahalaga ng P5,400.00. THONY ARCENAL