2 TIMBOG SA P13-M SHABU NA NAKUMPISKA NG NBI

NASAKOTE ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang tauhan ng isang Chinese national na nakumpiskahan P13 milyong halaga ng shabu nang maharang ang taki na sinasakyan nito sa Pasay City.

Isinagawang interdiction operation, sinabi ni NBI NCR Regional Director Rommel Vallejo na may nagpaabot ng impormasyon sa kanilang hanay na mayroong magaganap na malakihang transaksyon ng droga sa nasabing lungsod na pinamumunuan umano ng mga Chinese.

Paliwanag ni Vallejo, ilang araw nilang minanmanan ang subject at natuklasan nila na dadalhin sa isang condominium sa Macapagal Avenue ang droga.

Kaagad na hinarang ng mga operatiba ang taxi sakay ang umano’y courier ng mga drug syndicate.

Itinanggi naman ng driver ng taxi na may kinalaman siya at may alam siya sa kanyang naisakay, “ tumatakbo lang po ako ng maayos saka unang-una wala akong kita kaya sinakay ko siya,” ang takot na takot na pahayag ng driver.

“We are now the process of verifying his identity kung talagang driver siya ng taxi company na ‘to or kasama siya,” ani Vallejo.

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng NBI ang dalawang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
EVELYN GARCIA