BATANGAS-INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang consignee ng P8.2 milyon Kush marijuana sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA-Inter Agency Task Force (NAIA-IADITG) sa lalawigang ito.
Ayon sa ulat, kinilala ang mga suspek na sina Van Joshua Magpantay at Johnyengle Hernandez habang kinukuha ng mga ito ang kanilang kargamento sa loob ng vape shop sa Lipa city, Batangas.
Ang mga kush marijuana ay ipinadala sa pamamagitan ng Fedex kay Dimitria Escolano galing sa California USA mula sa isang nagngangalang Nina Manual at idineklara ito bilang musical instruments.
Nadiskobre sa pamamagitan ng x-ray scanning at 100% physical examination ng mga tauhan ng BOC personnel at PDEA na ibinalot ng transparent plastic at inilagay sa loob ng dalawang vacuum.
Nakuha sa loob ng mga vacuum ang sealed transparent plastics na naglalaman ng 5129 gramo ng dried marijuana leaves.
Kasalukuyang nasa kostudiya ng PDEA ang dalawang suspek habang inihahanda ang kasong kriminal laban dahil sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.