2 TODAS, 4 SUGATAN SA KARAMBOLA NG SASAKYAN

aksidente

CEBU-DEAD on the spot ang isang senior citizen habang sa pagamutan na nalagutan ng hi­ninga ang isa pa na kabilang sa limang sugatan na itinakbo sa hospital ng mga sumaklolo matapos ang naganap na karambola ng mga sasakyan sa Brgy. Poblacion Toledo City sa lalawigang ito.

Ayon sa Toledo City PNP , kamakalawa ng gabi naganap ang banggaan ng salpukin ng isang multi cab ang dalawang tricycle at isang motorsiklo.

Sa lakas ng impact, agad na binawian ng buhay ang 60-anyos na si Jose Antopina, tricycle driver na residente ng Ibo, sa nasabing lungsod habang idineklarang dead on arrival  sa ospital ang isa sa pasahero nito at malubha rin  nasugatan ang dalawang iba pa.

Samantala, kapwa nagtamo rin ng  mga sugat, pasa at pilay ang drayber ng isa pang tricycle na si Juventino Cabuenas at drayber ng isa pang motorsiklo na si Darwing Narvasa.

Lumitaw sa paunang imbestigasyon ng Toledo City PNP na nawalan ng kontrol ang multicab na minamaneho ng isang Irvyl Cansancio, 29-anyos at residente ng Tubod sa bayan ng Minglanilla habang pauwi at sumalpok sa tatlong sasakyan.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Toledo police station ang driver ng multicab habang inihahanda ang kakaharapin nitong kasong Reckless Imprudence resulting to multiple homicide at  multiple physical injuries and damage to property. VERLIN RUIZ

One thought on “2 TODAS, 4 SUGATAN SA KARAMBOLA NG SASAKYAN”

Leave a Reply

Your email address will not be published.