ISABELA – MAY koordinasyon ang 502nd Infantry Brigade sa PNP kaugnay sa panununog umano ng New People’s Army (NPA) sa dalawang tractor na pagmamay-ari ng pribadong kompanya sa Brgy. Babaran, Echague, Isabela kagabi.
Dahil dito, sinabi ni Brigadier General Bartolome Vicente Bacarro, Brigade Commander ng 502nd IB, na wala pa silang matukoy na motibo sa nasabing insidente.
Sinabi niya na batay sa salaysay ng guwardiya sa lugar, apat na armadong kalalakihan ang lumapit sa kanya at nagpakilala na mga miyembro ng NPA.
Pinaalis umano ang guwardiya bago binuhusan ng krudo at sinunog ang dalawang tractor.
Sinabi ni Bacarro na ang may-ari ng tractor ay ang FGI Company na may taniman ng tubo kung saan kinukuha ang raw materials para sa bioethanol. MHILLA IGNACIO
Comments are closed.