2 TRICYCLE VS ELF TRUCK: 4 TODAS, 4 SUGATAN

QUEZON PROVINCE-DEAD on the spot ang apat na pasahero habang apat ang sugatan matapos magsalpukan ang isang elf trak at dalawang tricycle sa national highway bahagi ng Barangay Ikirin bayan ng Pagbilao kahapon ng umaga.

Kinilala ni Maj Lawrence Panganiban, hepe ng pulisya ang mga pasaherong nasawi na sina Teodoro Balitaan residente ng Brgy Silangang Malicboy; Princess Lara Lopez, 5-anyos ng Brgy Binahaan; Justina Balitaan, 62- anyos ng Brgy Binahaan; Maryrose Ravano, 30-anyos ng Brgy.Binahaan habang sugatan naman sina Marilyn Lopez, 48-anyos, residente ng Brgy Pinagbayanan; Allan Jay Rey, 42-anyos, driver ng tricycle na sumalpok; Nilda Penarubia, 56-anyos ng Brgy Pinagbayanan at Marvin Lopez, 24-anyos, driver ng isa pang tricycle at residente ng Brgy.Binahaan.

Base sa report ni Panganiban, dakong ng alas-9 ng umaga habang tinatahak ng Elf Trak na may plakang UFJ-324 ang kahabaan ng nasabing National Highway patungong North Bound nang bigla itong salubungin ng rumaragasang tricycle at sa lakas ng pagkakabangga nito ay nadamay ang kasunod na tricycle at muli itong sumalpok.

Kasalukuyang nasa kostodiya ng Pagbilao PNP costudial facility ang driver ng elf trak na si Rafael Jovinal Jr., 42-anyos, residente ng Purok Pag-Asa 2, Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City at nakatakdang sampahan ng mga kasong reckless imprudence resulting in damage to property, multiple injuries at multiple homicide. BONG RIVERA