NUEVA VIZCAYA-TATLO katao ang sugatan matapos na magsalpukan at magliyab ang dalawang trailer trucks sa national highway sa may Barangay Nagsabaran, Diadi, ng nabangit na lalawigan.
Kinilala ng Diadi Police Station ang tatlong sugatan na sina Wilfredo Faustino, 66-anyos, residente ng Malolos, Bulacan, driver ng Howo trailer truck;Walter Taguinod, 44-anyos, residente ng Tuguegarao City, Cagayan, driver ng Izuzu trailer truck at ang helper na si Christopher Flores, 42-anyos, pawang isinugod sa pagamutan upang lapatan ng lunas.
Sa imbestigasyon na isinagawa ni PEMS Denish Estrada ng Diadi Police Station, habang mabilis umano na binabagtas ng dalawang truck sa magkasalungat na direksiyon sa bahagi ng papalikong daan ng naturang lugar nang magkabulagaan umano ang dalawang trailer truck sanhi upang magkabangaan ito.
Dahil sa lakas ng banggaan ay parehong nagliyab ang dalawang trailer truck kung saan ay nadamay pa ang isang tindahan at bahay na pagmamay-ari ni Delmar Garcia.
Tumagal ng mahigit sa isang oras ang nangyaring pagkasunog ng dalawang truck at tindahan kabilang ang isang bahay sa gilid ng daang maharlika sa nasabing lugar bago naapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) Diadi.IRENE GONZALES
427073 694502Woh I enjoy your articles , saved to favorites ! . 566438