LAGUNA – MAGKASUNOD na binawian ng buhay habang isinusugod sa pagamutan ang dalawang kawatan na pawang tulak umano ng droga matapos manlaban sa mga kagawad ng San Pedro City PNP Drug Enforcement Unit (DEU) sa Landayan Access Road, Brgy. Landayan, lungsod na ito, kahapon ng madaling araw.
Ayon sa ulat ni Supt. Giovanni Martinez, hepe ng pulisya, kay Calabarzon PNP Director PCSupt. Edward Carranza, nakilala ang napatay na mga suspek na sina Joseph Santos alyas Tirso at isang Ronald Gonzales, kapuwa napapabilang sa drug watchlist at residente ng lungsod ng Sta. Rosa.
Bandang alas-12:40 ng madaling araw nang magsagawa ng anti-illegal drugs operation sa lugar si Martinez at kanyang mga tauhan kaugnay sa pagtutulak ng droga ng suspek na si Santos at kasamahan nitong si Gonzales.
Sinasabing matagal nang target ng pulisya ang mga ito.
Narekober sa mga suspek ang dalawang kalibre 45 baril at hindi pa mabatid na gramo ng shabu. DICK GARAY
Comments are closed.