2 TULAK NAHULIHAN NG P1.7-M SHABU

drug pusher

BULACAN – DALAWANG drug pushers umano ang nadakip ng Bulacan Provincial Police Office (BPPO) at nahulihan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyon sa Baliwag kahapon.

Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, hepe ng BPPO, naaresto sina Rodel Cunanan alyas Ude, 39, at residente ng 381 Purok 3, Brgy. Piel, at  Edilberto Perigrina Jr. alyas JR, 31, residente ng 337 Sampaguita St., Brgy. Sulivan, kapwa sa Baliwag.

Dakong alas-12:10 ng umaga nitong Abril 23 nang bumili ang poseur buyer ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Baliwag Municipal Police Station (MPS) kina Cunanan at Perigrina na hindi na nakapalag nang arestuhin at mahulihan ng 12 sachets ng shabu na may timbang na 250 gramo at nagkakahalaga ng P1.7 milyon, isang weighing scale at buy bust money.

Dinala ang mga suspek sa Camp Alejo Santos sa Malolos City para sa imbestigasyon. A. BORLONGAN

Comments are closed.