2  TULAK NAYARI SA BUY BUST

dead on the spot

BULACAN  – DEAD  on the spot ang dalawang lalaki na hinihinalang drug pusher habang nakatakas ang isa pa nilang kasamahan matapos mauwi sa engkuwentro ang inilatag na buy-bust operation ng awtoridad sa San Jose Del Monte City.

Sa inisyal na report ni Supt. Orlando Castil Jr. kay PNP Region-3 Director P/Chief  Supt. Joel Napoleon Coronel  kinilala ang mga napatay  na sina James Taruc at alyas Inad.

Habang nakatakas naman si Jayson Panti Alyas Goryo na kilalang tulak rin ng ipinagbabawal na droga.

Nabatid na una ng nagkaabutan nang marked money, kung saan natunugan ng mga suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon na naging dahilan ng engkuwentro.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang caliber 38 revolvers at ang buy bust money.

Samantala patuloy naman ang dragnet operation laban sa nakatakas na suspek. THONY ARCENAL

Comments are closed.