BULACAN – DALAWANG drug peddlers na kapwa nasa unified watchlist ng PNP/PDEA ang nadakip ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Baliwag Police makaraang kumagat sa inilatag na buy bust operation sa Barangay Poblacion kahapon ng madaling araw.
Base sa report na isinumite kay P/Col. Emma M. Libunao, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO), nakilala ang mga naarestong sina Ricky Rustia, 39-anyos, binata ng Sitio Dike, Barangay Poblacion; at Romariz Tomacruz ng Barangay Concepcion.
Dakong alas-3:30 ng madaling araw kahapon nang magkasa ng buy bust operation ang DEU ng Baliwag police sa Barangay Poblacion ng nasabing bayan at hindi na nakapalag ang dalawang drug suspects nang kumagat sa operasyon matapos ang week-long surveillance operation.
Nakarekober ang awtoridad ng apat na pakete ng shabu at marked money at nakadetine ngayon ang dalawang suspek at kapwa dinala sa Bulacan Provincial Crime Laboratory (BPCL)-Malolos upang mapasailalim sa drug test at kapwa nahaharap sa Section 5 at 11 ng RA 9165. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.