2 TULAK TIKLO SA DROGA, BARIL

NASABAT sa dalawang tulak ng illegal na droga na listed bilang high value individual (HVI) ang isang baril at mahigit P.8 milyon halaga ng shabu matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Batay sa report na isinumite ni Northerrn Police District (NPD) Director BGen. Ponce Rogelio Peñones kay NCRPO Regional Director MGen. Jonnel C. Estomo, ang mga naarestong suspek ay nakilalang sina Edgardo De Vera alyas “ Remy” ,51-anyos, driver at residente ng Manggahan Bagumbong Dulo at Estilito Castro alyas “Estoy”, 30-anyos ng Northville 2, Blk 93 Lot 26, ng Caloocan City.

Sa ulat ni Maj. Dennis Odtuhan ng chief ng NPD District Drug Enforcement Unit kay PBGEN Ponce Rogelio Peñones, dakong alas-11:55 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin ng buy bust operation sa Manggahan Bagumbong Dulo, Brgy.171.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P16,500 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagsilbing poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang knot tied transparent plastic na naglalaman ng humigi’t kumulang 125 gramo ng shabu na may standard drug price P850,000, buy bust money na isang P500 bill at P32 pirasong P500 boodle money at sling bag habang nakuha kay Castro ang isang shotgun pistol na may tatlong 12-gauge bala

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale) in relation to Section 26(Conspiracy) and Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) of Article II of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at R.A 10591 or (Illegal Possession of Fire arms and ammunition).

Binati naman ni Estomo ang mga operatiba ng NPD dahil sa matagumpay na operasyon ng mga ito at sa mensahe na ipinadala ng heneral sinabi nito, “ Hindi namin ititigil ang amin 24/7 na operasyon upang arestuhin ang mga drug peddlers at coddlers sa NCR at maiwasan ang mga ito na sirain ang buhay ng ating kapwa at partikular na ang ating mga kabataan kasama ng ating mga operatiba upang mailigtas ang ating mga kababayan sa ating nasasakupan mula sa mga kriminalidad.” EVELYN GARCIA