TIKLO sa isang milyon halaga ng droga ang dalawang tulak sa anti-drug operation ng mga operatiba kagabi sa Marikina City.
Sa ulat na tinanggap ni Brig. Gen. Orlando Yebra, EPD-district director kinilala ang mga nadakip na sina Marlon Taggueg y Villa, 36-anyos ng # 302 Gold St., Minahan Interior at Joemark Garcia y Bando, 29-anyos, delivery driver residente ng # 331 Camia St., Road-3, kapwa ng Brgy., Malanday sa lungsod.
Dakong alas-7 ng gabi kamakalawa nang masakote ng grupo ni Maj. Fernildo Castro, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang dalawa na nagtatarya ng shabu sa bahay ni Taggueg.
Nakumpiska sa mga ito ang tatlong transparent plastic sachet at dalawang ice bag na bukas na pinaniniwalaang tinatarya na may bigat na 155 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1, 054, 000.0, drug paraphernalia at buy bust money.
Nakapiit na sa detention cell ng Marikina PNP ang mga suspek nakatakdang kasuhan ng paglabag sa RA9165. ELMA MORALES