NADAKIP ng mga operatiba ng Pasay City police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa isinagawang buy-bust operation ang dalawang drug pushers na nakabilang sa listahan ng drug watchlist.
Kinilala ni Col. Cesar Paday-os ang mga suspek na sina Alejandro Lazaro y Diaz, a.k.a. Kuya Bong, 48-anyos, pedicab driver, residente ng 317 Riverside Tramo Street at Angela Lazaro y Culling a.k.a. Angela, 29-anyos ng 339 Riverside Tramo St., kapwa nasasakupan ng Barangay 156 Zone 16, Pasay City.
Base sa report na isinumite kay Paday-os, isinagawa ng mga operatiba ng SDEU ang drug-bust operation dakong alas-8 ng gabi sa bahay ni Angela kung saan ang target ng naturang operasyon ay si Alejandro.
Bago isinagawa ang buy-bust operation, nakatanggap ng impormasyon ang SDEU tungkol sa ilegal na aktibidad ni Alejandro kung kaya’t isinailalim ito sa surveillance operation.
Makaraang magpositibo sa surveillance operation ay agad na ikinasa ang buy-bust operation na pinamunuuan ni SMS Jonathan Bayot na naging daan para maaresto ang mga suspek.
Narekober sa mga suspek ang 6 plastic sachets na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 10.3 gramo at nagkakahalaga ng P70,300; isang coin purse at ang P500 buy-bust money.
Ang nakumpiskang shabu ay agad na dinala sa SPD Crime Laboratory para sumailalim sa chemical analysis habang ang mga suspek ay pansamantalang nakapiit sa IDMS custodial facility para sa disposisyon.
Si Alejandro ay nahaharap sa kasong paglabag ng Section 5 at 11 Article 2 ng RA 9165 habang si Angela naman ay sa kasong paglabag sa Section 26 Article 2 ng RA 9165. MARIVIC FERNANDEZ
559821 785865An attention-grabbing dialogue is value comment. I believe which you require to write more on this matter, it wont be a taboo topic even so typically individuals are not sufficient to speak on such topics. To the next. Cheers 589136