2 TULAK TIMBOG SA P.2 M SHABU

ARESTADO ang dalawang nagbenta ng shabu sa umaktong buyer na pulis matapos makumpiskahan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation kamakalawa sa Malabon City.

Nakilala ang suspek na si Enrico Del Rosario alas “Buging”, 41-anyos, residente ng Sulucan St., Hulong Duhat, Barangay Hulong Duhat.

Nabatid na bandang alas-9 kamakalawa ng gabi, inaresto si Del Rosario matapos iabot sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang isang sachet ng shabu kapalit ng P1,000 marked money.

Sumailalim sa isang linggong surveillance bago tuluyang nahuli ang suspek nang makatanggap ng reklamo ang District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng NPD laban Buging na responsable sa pagpapakalat ng ilegal na droga sa Malabon.

Nasamsam dito ang 26 gramo ng shabu na may standard drug price na P176,800, cellphone, P1,000 marked money at P1,000 drug money.

Samantala, naaresto naman si si Anthony Zosimo alyas “Pantot”, 38-anyos, tricyle driver ng 8A c. perez st, Brgy. Tonsuya matapos makuhanan ng dalawang plastic sachets ng shabu bandang alas-9:30 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 7 sa pangunguna nu PLT Edgardo Magnaye na nagsasagawa ng Oplan Galugad.

Kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek. VICK TANES

Comments are closed.