BULACAN – DALAWANG drug pusher ang nasawi nang manlaban sa pulisya sa San Jose del Monte (SJDM) City habang tatlo pang sangkot sa droga ang nadakip ng Drug Enforcement Unit (DEU) sa bayan ng San Rafael, Calumpit at Balagtas.
Base sa report kay P/Col. Emma Libunao, Acting Provincial Director ng Bulacan-PNP, nakilala ang dalawang suspek na sina Melanio Teodoro y Dela Cruz at Jeffreson Chaconante, kapwa residente sa lungsod at nasa watchlist na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanilang katawan na ikinasawi ng mga ito.
Dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi nang muling maglatag ng anti-illegal drug operation ang DEU-SJDM City sa supervision ni P/Lt.Col.Orlando Castil Jr, City police chief, sa Barangay Gaya-Gaya ng nasabing lungsod ngunit mabilis na nakatunog ang dalawang suspek na undercover agent ang kanilang katransaksiyon kaya bumunot ng baril at nanlaban.
Nakarekober ang Bulacan Scene of the Crime Operatives team ng dalawang cal 38 at tatlong bala, 22 pakete ng shabu at isang motorsiklo na ginagamit ng dalawang suspek sa pagbebenta ng shabu sa nasabing lugar at napatay matapos ang week long surveillance operation.
Samantala, may tatlo pa ang nadakip sa mga bayan ng Balagtas, Calumpit at San Rafael. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.