LAGUNA – NAUWI sa engkuwentro ang isinagawang paghahain ng Warrant of Arrest (WOA) ng mga kagawad ng Provincial Intelligence Unit (PIU) at Binan City PNP na ikinasawi ng dalawang drug suspects sa Brgy. Canlalay, Miyerkules ng hapon.
Ayon sa ulat ni PIU Chief PLt. Col. Arvin Avelino, kinilala ang mga suspek na sina Antonio Dalit, alias “Tala” kabilang sa Top Ten Most Wanted Person (Provincial Level) at isang Jhondie Helis, alias “Jhondy”, pawang mga residente ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon, bandang alas-4:30 ng hapon nang magkasa ng paghahain ng WOA si Avelino at mga tauhan nito sa lugar laban sa kanilang target na si Dalit kaugnay ng pagtutulak nito ng droga o ang paglabag sa kasong Section 5 and 11 of RA-9165.
Lumilitaw sa report na habang aktong papalapit ang mga operatiba sa bahay ni Dalit ay kumasa ito kabilang ang kanyang kasamahan na si Helis na gamit ang dalawang kalibre 38 baril kaya’t nauwi sa engkuwentro na agad nilang ikinasawi.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang ginamit na baril ng mga suspek, 13 small heatsealed transparent plastic sachet ng shabu na umaabot sa 50 gramo na may street value na P340,000, digital weighing scale at P3,500 na hinihinalang drug money at drug paraphaernalias.
Sa talaan ng pulisya, nabatid na labas pasok na sa bilangguan si Dalit dahil sa paglabag nito sa ipinagbabawal na droga habang si Helis ay ginagawa naman umano nitong katulong o runner sa iligal na operasyon.
Gayundin,inaalam pa ng mga awtoridad ang totoong edad ni Helis kung saan taliwas umano sa lumabas sa Socmed na 16-anyos lamang Ito. DICK GARAY
327150 711533Perfectly written subject material , thanks for selective information . 913016
234423 318189fantastic put up, very informative. 731389
93424 760375Hey, you used to write great, but the last several posts have been kinda boring I miss your tremendous writings. Past couple of posts are just a bit bit out of track! come on! 914342