2 TULAK TODAS SA P150M SHABU

NASAMSAM ng magkasanib na puwersa ng “COPLAN CHAIN KNUCKLE” ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) Pasig PNP, PDEA-NCR at BOC ang P150 milyong halaga ng shabu mula sa napatay na dalawang tulak sa Axis Road, Kalawaan Pasig City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PDEG-director BGen. Remus Medina, ang isa sa dalawang napatay na si Arthur Abdul alyas Abdul at nakasuot naman ng black t-shirt at short ang kasama nito na may tattoo sa kaliwang kamay at tiyan na may tatak “Jason”.

Nasamsam sa mga ito ang 22 kilos ng shabu na nakalagay yellow gua yinwang refined Chinese tea na nakabalot at nagkakahalaga ng P149.6 milyon at buy bust money na P1.5 milyon.

Isinagawa ang buy bust operation nitong Linggo ng gabi sa Axis Road, Brgy., Kalawaan sa nasabing lungsod nang matunugan na pulis ang ka-transaksiyon,agad umanong pinutukan ng mga suspek ang mga awtoridad na nauwi sa barilan kung saan naisugod pa sa ospital ang mga suspek ngunit namatay ito dakong alas-11:45 ng gabi.

Nabatid na ang mga napatay ay tauhan umano ng isang Michael Lucas Abdul na una nang naaresto sa buy bust operation sa Dasmariñas, Cavite noong Abril 26 na nag-ooperate sa NCR, Central at Southern Luzon.

Isang muslim umano na alyas Bating na bodegero ng isang Tsino ang pinagkukuhanan ng iligal na droga ng mga suspek. ELMA MORALES

19 thoughts on “2 TULAK TODAS SA P150M SHABU”

  1. 457314 101236hi!,I like your writing so a lot! share we communicate far more about your post on AOL? I require an expert on this area to solve my dilemma. Perhaps thats you! Seeking forward to see you. 150653

Comments are closed.