2 TULAK TUMBA SA BUY BUST

patay

BULACAN – DALAWANG drug pusher kabilang ang isang nasa Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PNP/PDEA) unified watchlist ang kapwa napatay nang makatunog na pulis ang kanilang katransaksiyon at manlaban nang aares­tuhin sila sa buy bust operation sa Barangay Gaya-Gaya, San Jose del Monte City kamakalawa.

Sa isinumiteng report kay P/Col.Emma M. Libunao, Acting Provincial Director ng Bulacan Provincial Police Office (BPPO), nakilala ang napatay na suspek na sina Romy Fajardo y Herrera, nasa PNP/PDEA watchlist at Arnel De Mata y Arco, kapwa residente sa lungsod, na nasawi sa lugar ng operasyon bunga ng mga tama ng bala sa kanilang katawan.

Bandang ala-1:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang Drug Enforcement Unit (DEU) ng San Jose del Monte City police sa overall supervision ni P/Lt.Col.Orlando Castil Jr, Chief of Police sa naturang lungsod, ngunit matapos ang transaksiyon sa Barangay Gaya-Gaya ay nakatunog ang dalawang suspek na aarestuhin na sila ng mga undercover agent.

Dito na bumunot ng baril ang dalawang drug peddler at nagpaputok kaya nagkaroon ng maikling engkuwentro hanggang mapatay ang dalawang suspek at marekober sa kanila ang isang caliber  revolver, isang improvised shotgun, dalawang bala at 17 pakete ng shabu at isang SYM na motorsiklo. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.