BULACAN- NADAKIP ng mga tauhan ng PDEA Region-3 ang dalawang lalaki na kapwa tumanggap ng parcel mula sa USA na naglalaman ng ilegal droga sa Brgy, Concepcion, Baliuag City sa lalawigang ito.
Sa inisyal na report nasa 152.9 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,055,010.00.
Kinilala ang mga suspek na sina Vincemt Francis R Estrella, 32-anyos ng Brgy, Concepcion at Gilbert Gonzales Guinit, 35-anyos ng Brgy, Sabang sa nabangit na lungsod.
Sa paunang imbestigasyon ng PDEA dumating sa Port of Clark ang shipment ng illegal drug nito Mayo 10 at Mayo 14 ng tanghali kung saan nasukol ang mga suspek.
Nagmula ang parcel sa New York, USA na una nang idineklara na naglalaman ng chocolates.
Katuwang ng PDEA Central Luzon ang Clark Interdiction Task Group,at Bureau of Customs.
Samantala paglabag sa section 4 (importation of dangerous drugs)ng Republic Act 9165 ang isasampa na kaso laban sa mga suspek.
THONY ARCENAL