BULACAN – DALAWA katao ang nasawi, 22 ang sugatan habang 79 ang sangkot sa inilunsad na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa iba’t ibang lugar ng lalawigan.
Sa report na ipinadala ni PNP Provincial Director, Sr. Supt. Chito Bersaluna kay PNP Regional Director, Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, kinilala ang mga napaslang na sina Jomar Bangog, 39-anyos, at Christian Dominguez alyas Gamal, 26-anyos, mula sa siyudad ng Meycauayan.
Pumalag umano sa buy bust ang mga suspek na nakilalang tulak ng ipinagbabawal na droga.
Nakuha sa pinangyarihan ng engkuwentro ang 8 plastic sachets ng hininalang shabu.
At isang cal. 9mm pistol Armscor na may serial number 1674438, isang cal.22 revolver at buy bust money.
Kasabay nito, 12 pang mga drug pusher ang nadakip sa buy bust operation sa mga bayan ng San Ildefonso, San Rafael, Bustos, Bocaue, Angat, SJDM, at Malolos, Santa Maria, at Guiguinto Police Stations.
Habang 79 na iba pa ang nadakip din ng mga pulis via “Oplan Rody” sa Bulakan, Bocaue, Pandi, Guiguinto, Plaridel, Pulilan, Sta Maria, Norzagaray, Meycauayan, Angat, Bocaue at Bustos, 51 ang pinauwi sa kanilang bahay, at 23 ang binigyan ng warning, habang 5 naman ang na i-turned over sa barangay. THONY ARCENAL
Comments are closed.