BULACAN – PATAY ang dalawa umanong drug pushers habang 25 na iba pa ang inaresto sa magkakahiwalay na buy bust operations.
Sa report na nakarating sa Camp General Alejo Santos, nakilala ang mga napatay sa engkuwentro na sina Dexter Joel Tordillo at Rogelio Francisco kapwa nasa hustong gulang residente ng Pabahay 2000, Brgy. Muzon, sa siyudad ng San Jose del Monte.
Habang arestado ang anim pa na kasamahan nito na sina Katherine Alminiana, Ching Racacurva, Marlon Ubalde, Warlito Cerabillo, na narekober sa kanila ang 39 na sachets ng hinihinalang shabu at dalawang improvised shotgun o sumpak.
Samantala, nadakip din ang 21 drug suspects kabilang ang dalawang menor mula sa bayan ng San Miguel, Angat, Guiguinto, San Rafael, Bocaue, Sta Maria, Baliwag at Bulakan.
Nakuha mula sa kanila ang 80 plastic sachets ng hinihinalang shabu at pitong teabags ng marijuana. THONY ARCENAL
Comments are closed.