(2 tumba, mag-asawa arestado) P1.580-B SHABU NASAMSAM SA ANTI DRUG OPERATIONS

TINATAYANG aabot sa P1.580 bilyong halaga na shabu ang nasamsam sa dalawang magkasunod na anti narcotics operation na inilunsad ng Philippine Drug Enforcement Agency ( PDEA) na nagresulta ng pagkamatay ng dalawang high value drug personalities at pagkaaresto naman ang mag-asawa sa lalawigan ng Cavite kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva patay ang dalawang drug personality na kinilalang sina Basher Bangon y Pangcoga, 54-anyos ng Cagayan De Oro City at Danilo Untavar y Tampogaw, 51-anyos, ng Block 38 Lot 1 Brgy. Datu Esmael R-1, Dasmarinas City, Cavite.

Sa pakikipagtulungan ng PDEA4A, PDEA IIS, PDEA RO NCR, AFP TF Noah, NICA, PNP-DEG SOU4A PNP-DEG NCR, NCRPO, PNP SAF, BOC- CIIS, Cavite PPO, at Bacoor CPS ay narekober sa dalawang napatay ang 181 kilong shabu na may street value na P1.224 bilyon; 2 identification cards at ang 2 pistola na kargado ng mga bala.

Nabatid na bandang alas-9:27 kamakalawa ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation laban kina Bangon at Untavar sa Block 6, Lot 16 Springville Executive 1 Subd., Brgy. Molino 3 sa Bacoor City.
Si Bangon ay top-level drug personality at leader ng Basher

Drug Group na may direct contact sa Chinese Drug Syndicates at nagsisilbing supplier ng droga sa Visayas at Mindanao areas.

Ilang minuto lamang ang pagitan ay nagsagawa rin ng buy-bust operation sa Block 6, Lot 2, Topacio Street, Phase 8, Barangay Magdalo, Bahayang Pag-asa, Imus, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa mag-asawang Lani Micoleta, 45-anyos at Aldwin Micoleta, 47-anyos na nahulihan ng 48 kilos ng shabu, isang mobile phone, identification cards, dalawang Savings Pass Books, wallet at boodle money.
MHAR BASCO/ VERLIN RUIZ

4 thoughts on “(2 tumba, mag-asawa arestado) P1.580-B SHABU NASAMSAM SA ANTI DRUG OPERATIONS”

Comments are closed.