MAS higit pang pinabilis ngayon ang transactions sa Manila City Hall.
Ito ay matapos na lumagda si Mayor Honey Lacuna sa isang memorandum of agreement para sa installation ng libreng wifi sa City Hall.
Ilang kaibigan mula sa isang lungsod sa Korea ang nag-donate ng libreng wifi na magsisimula sa City Hall.
Ang donasyon ay nakapaloob sa MOA na ginawa sa koordinasyon ng electronic data processing department (EDP) sa pamumuno ni Fortune Palileo at ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa ilalim ni Arnel Angeles na siyang dahilan para magkaroon ng kasunduan.
Pagkatapos ng City Hall, sinabi ng alkalde na ang parehong grupo ng mga Koreano ay magkakabit din ng parehong libreng wifi sa dalawang kolehiyo na pinatatakbo ng lungsod na kinabibilangan ng Universidad de Manila (UdM) at Pamantasan ng Lungsod Maynila (PLM).
“Malaki talaga ang nagagawa ng pagiging magaling na kaibigan. These Koreans are friends of MDRRMO Director Arnel Angeles,” anang alkalde.
Pinasalamatan ang mga Koreano sa pamumuno ni Danny Seo ng Artbi Global Phil. Corp at Ifree Co. Ltd. na pinamumunuan ni chief executive officer ParkTae Kyu na nag-donate sa lungsod ng 20 units ng 4G wifi routers na ilalagay sa mga tanggapan ng city hall para sa mas mabilis na transaksyon.
Sinabi ng alkalde na kailangang-kailangan ito para sa revenue-generating offices sa City Hall tulad ng permits bureau at ng renewal section ng city treasurer’s office.
Ang anim na ospital na pinatatakbo ng lungsod ay kakabitan ng libreng wifi, dagdag pa ni Lacuna.
VERLIN RUIZ