CAMP CRAME – UPANG maging mabilis, maayos na serbisyo at tumaas ang morale ng pulisya, dalawang yunit ng van ang idinonate ng Armed Forces and Police Savings and Loan Association (AFPSLAI) sa Philippine National Police –Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ngayong araw.
Makaraan ang flag raising ceremony ay isinagawa ang turn over ceremony na dinaluhan nina Police Lt. Gen. Archie Gamboa, deputy chief for PNP Operations; Roberto Aliggayu, Senior Vice President for Treasury ng AFPSLAI at PNP-DEG Director, PBGEN Albert Ignatius Ferro.
Inaasahan naman na magagamit nang tama ang nasabing mga sasakyan habang pagpapaigting pa sa operasyon ng pulisya laban sa mga nagkalat na droga.
Ang donasyon ay bilang support ng AFPSLAI rin sa paglaban sa droga ng pulisya na alinsunod din sa atas ni Pangulong Rodrigo Duterte na malinis ang Filipinas sa nasabing kontrabando. EUNICE C.
Comments are closed.