BULACAN-ARESTADO ang dalawang Most Wanted Person at 16 na iba pa na kapwa sangkot sa illegal na droga sa lalawigang ito.
Sa report na nakarating sa tanggapan ni PNP Regional Director BGen. Matthew Baccay nadakip ang mga suspek sa pinaigting na manhunt operation laban sa mga suspek.
Unang nadakip nang pinagsanib na puwersa ng PHPT-Romblon/Bulacan, Odiongan at Looc MPS Romblon, Baliuag pulis ang suspek na si Crispin Adoño, 21-anyos ng Brgy.Tangos, Baliuag na kabilang sa Top 7 MWP ng Odiongan sa kasong R.A 10883 (New Anti Carnapping Act of 2016).
Arestado rin si Israel Cacho, 28 ng Perez, Meycauayan City na top 2 MWP sa kasong Robbery.
Habang dinakip din sa bisa warrant of arrest ang 6 na wanted sa ibat-ibang kaso, sa syudad ng San Jose Del Monte (CSJDM), Norzagaray, at San Rafael na nakilalang sina Aldrin Sotto, Lemmuel Vistro, Darwin Zafra theft, Michael Palomo sa kasong Rape; Danilo Guinto sa kasong Theft at Rolando Gojar na sangkot sa kasong paglabag sa R.A 7610.
Samantala, ganap na alas-3:16 ng madaling araw kahapon nang madakip sa buy bust sa Brgy. Poblacion Guiguinto ang suspek na si Enmark Mirano, 35-anyos ng Brgy. Lambakin, Marilao.
Nakumpiska mula sa kanya ang 13 plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 60 gramo na nagkakahalaga ng P408,000.00.
Habang kulong din ang 9 drug personalities nahulihan ng 23 plastic sachet ng shabu na kapwa pasok sa kasong paglabag sa RA 9165. THONY ARCENAL