2 WANTED SA PANGGOGOYO, TIMBOG SA BI

ISANG  Korean at Japanese na kapwa wanted sa kanilang bansa dahil sa panloloko o fraud ang ina­resto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) at nakatakdang ipa-deport dahil sa pagiging undesirable aliens.

Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na inaresto ang dalawang dayuhan sa magkahiwalay na operassyon ng mga operatiba ng BI fugitive search unit (FSU).

Kinilala ang Koreanong pugante na si Hwang Seongbin, 34, na inaresto sa  Rockwell Drive, Bgy. Poblacion, Makati City, habang ang Japanese national na si  Sasaki Yohei, 36, ay inaresto  sa  Mercury Street, Bahay Toro, Quezon City  sa bisa ng  mission orders na inisyu ni  Viado sa kahilingan ng South Korean at  Japanese governments.

Si Hwang, ay may  Interpol red notice at  warrant of arrest mula sa  Eujeong district court sa  Korea dahil sa pagkakasangkot sa stock investment scam kung saan hinikayat niya ang mga biktima na  mag-invest  sa scam na kanilang ikinalugi ng halos 100 million won o mahigit sa  US$75,000.

Samantala, si  Yohei ay may warrant of arrest na inisyu ng  Omiya summary court sa  Saitama, Japan kung saaan siya ay inasuhan dahil saa panloloko sa mga nakatatanda sa isang nur­sing home kung saan siya ay nagtatrabaho bilang staff member.

Samantala si Yohei ay hinihnalang miyembro ng isang Cambodia-based telecom fraud syndicate na sangkot sa  kidnapping, illegal detention, extortion, at  fraud.

Ang dalawa ay kasa­lukuyang nakadetine sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang dinidinig ang kanilang deportation proceedings.

PAUL ROLDAN