2-YEAR PROBI SA WORKERS IBINASURA NG DOLE

SEC-BELLO

TINUTULAN ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang panukalang palawigin ang maximum probationary period ng mga manggagawa sa dalawang taon mula sa kasalukuyang anim na buwan.

Ayon kay Bello, taliwas ito sa polisiya ng pamahalaan sa security of tenure.    “I don’t support it. It’s too long,” anang kalihim. “That is no longer in keeping with our policy of security of tenure.”

Nababahala rin ang opisyal na ang panukala ay ­maaaring magresulta sa illegal contractual arrangements.

“Is 6 months not enough to determine the qualification of the prospective worker? If you cannot know him in 2 days, you will never know him anywhere,” aniya.

Sa House Bill 4802, sinabi ni Pro­binsyano Ako party-list Rep. Jose Singson Jr. na dapat palawigin ang maximum prescribed period ng probationary employment sa 24 buwan dahil ang kasalukuyang 6-month peri-od ay hindi sapat para sa ilang employers na matukoy kung kuwalipikado ang isang probationary employee na maging regular.

Suportado naman ni Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) chairman George Barcelon ang natu­rang panukala.

Aniya, may ilang skills na kailangan at hindi sapat ang anim na buwan para matutunan ang nasabing skill.

“Minsan hindi naman gano’n kabilis when you train a worker. Any skills you want to learn so that you’ll be good at it, it takes time,” dagdag ni Barcelon.

Sa sandaling ma­ging batas, ang bill ay magbibigay, aniya, ng pagkakataon sa mga em-ployer para mas maayos na ma-evaluate ang mga probationary worker at maiwasan ang early termination.

Comments are closed.