QUEZON CITY – NANLULUMO ang mga pamilya na nakatira sa dalawang yunit ng isang apartment sa Barangay Central nang masunog ang kanilang bahay kahapon ng umaga.
Bagaman mabilis ang responde ng mga bomber, malaki pa rin ang danyos sa sunog na sumiklab bandang alas-11 ng umaga sa Maginoo Street.
Sinabi ni Senior Fire Officer 4 Joseph Gatchalian na napigilan naman ang pagkalat ng apoy at umabot lamang sa unang alarma.
Tinatayang nasa higit P5,000 halaga ng pinsala sa ari-arian ang iniwan ng sunog.
Samantala, aminado ang Bureau of Fire Protection-QC na hindi pa nila buo ang ulat para matukoy kung ano ang sanhi ng sunog. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.