INALIS na sa listahan ng localized community quarantine (LCQ) ang 20 barangays sa Pasay matapos sumailalim sa 14-day quarantine ang mga ito.
Inihayag ng pamahalaang lokal ng Pasay,ang mga ito ay Barangay 28, 32, 40, 57, 58, 81, 95, 98, 100, 107, 118, 122, 132, 143, 155, 156, 175, 178, 190 at 192 alinsunod na rin sa ipinatutupad na health protocol ng
Inter-Agency Task Force (IATF).
Sa natitirang 57 barangay na nananatiling nasa LCQ, ang Barangay 183 na lamang ang naka-total lockdown dahil sa pagkakatala nito ng 32 kaso ng COVID-19.
Nauna nang isinailalim ng lokal na pamahalaan sa LCQ ang 77 Barangays sa lungsod dahil sa mabilis na pag-akyat ng kaso ng COVID-19 sa kani-kanilang mga lugar na nasasakupan.
Samantala, patuloy ang pagsasagawa ng mga testing sa mahigit 300 indibidwal kada araw.
Kasabay nito, hinikayat din ang mga residente sa lungsod na sundin na lamang ang EMI habit na Ensure to always wash your hands, Mask is a must at Implement social distancing.
Base sa Marso 6 na datos ng Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU), nakapagtala ang lungsod ng 8,510 kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan 42 ang mga bagong naka-recover sa kabuuang 7,767 recoveries habang 520 ang may aktibong kaso at 223 naman ang namatay na sa virus. MARIVIC FERNANDEZ
852527 313596What is your most noted accomplishment. They might want good listeners rather than excellent talkers. 650668