20% DISCOUNT SA NAT’L ATHLETES, COACHES

PSC Chairman William Ramirez-6

IPATUTUPAD na ang 20 percent discount para sa national athletes at  coaches sa mga piling establisimiyento, ayon sa Philippine Sports Commission (PSC).

Sakop nito ang transportasyon, lodging at pagbili ng pagkain, gamot at sports equipment, tulad ng nakasaad sa Republic Act 10699 o ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act”.

“We have been looking forward to this and we are thankful that our athletes and coaches will finally enjoy the privilege they deserve,” wika ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Ipinalabas ng  Bureau of International Revenue (BIR) noong Miyerkoles ang Revenue Regulation 13-2020 para sa paggamit ng insentibo sa ilalim ng section 4 ng RA 10699.

“National athletes and coaches must present their Philippine National Sports Team Identification Card and Booklet to avail of discounts,” nakasaad sa regulasyon.

Ayon sa  PSC, naipamahagi na nila ang IDs sa mga miyembro ng national team, habang inihahanda pa ang mga booklet.

Epektibo ang regulasyon, 15 araw makaraang malathala sa  Official Gazette o sa anumang dalawang nationally-circulated newspapers.

Comments are closed.