(Ikinakasa ng SMC) 20% DISCOUNT SA SENIORS, PWDs SA EXPRESSWAYS

BIBIGYAN ang senior citizens at persons with disabilities (PWDs) ng 20-percent discount sa paggamit ng expressways at skyways sa Metro Manila, southern Luzon, at northern Luzon.

Ito ang inihayag ni San Miguel Corp. (SMC) infrastructure group head Rafael Yabut, na dating nagsilbing public works undersecretary, sa  House investigation sa implementation gaps hinggil sa mga batas sa discounts at benepisyo para sa mga nakatatanda, PWDs, at  solo parents.

Sinabi ni Yabut na makikipag-ugnayan sila sa Toll Regulatory Board (TRB) at sa iba pang kinauukulang ahensiya sa kung paano magbibigay ng discounts sa kanilang tollways.

Ang SMC ang nag-o-operate sa Metro Manila at  Ninoy Aquino International Airport skyway system, South Luzon Expressway, Southern Tagalog Arterial Road, at  Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.

Ang iba pang  toll roads sa Luzon ay pinatatakbo ng Metro Pacific Corp. Ang mga ito ay ang North Luzon Expressway, Subic-Clark-Tarlac Expressway, Cavite-Laguna Expressway, Cavite Expressway, at NLEX-SLEX Connector.                                         

(PNA)