INIHAIN sa Kamara de Representantes ang pagkakaloob ng 20% diskuwento sa mga guro sa lahat ng uri ng transportasyon.
Sa ilalim ng House Bill 4129, kailangan lamang na magpakita ang mga guro ng valid ID o PRC ID para makakuha ng 20% diskuwento sa pamasahe.
Nakasaad sa panukala na pagmumultahin ng mula P1,000 hanggang P25,000 ang sinumang hindi magbibigay ng diskuwento, at maaaring masuspinde ang driver’s license ng isa hanggang tatlong linggo.
Nakatatanggap na sa kasalukuyan ng 20% diskuwento ang mga estudyante, senior citizens at persons with dissabilities (PWDs) kaya pumapalag ang ilang transport group sa panukala na bigyan din ng diskuwento ang mga guro.
Ayon kay PCDO ACTO president Efren de Luna, kung bibigyan pa ng discount ang mga teacher ay baka naman lahat ng manggagawa ay humingi na rin ng discount na malaking kabawasan sa kita ng mga drayber sa pamamasada.
Comments are closed.