NAIS ng isang kongresista na muling buhayin ang panukalang batas na naglalayong mabigyan din ng diskuwento sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan ang lahat ng guro sa bansa.
Ayon kay Biñan City Rep. Marlyn ‘Len’ Alonte-Naguiat, matagal nang binibigyan ng respeto at may espesyal na estado sa lipunan ang mga guro at napapanahon nang maramdaman nila ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng karagdagang bene-pisyo.
Giit ng neophyte lady solon, kung ang mga estudyante ay may fare discount, mainam din na maranasan ito ng mga guro kapwa sa public at private schools.
“Iyong 20 percent fare discount ng mga estudyante, ganoon din dapat para sa mga teacher. Teachers have long held special re-spect status in our society. It is time that respect is made manifest in the form of public transport fare discount,” sabi ng mambabatas.
Dagdag pa niya, kailangang mahimok ang mga matatalinong mag-aaral at pinakamagagaling na propesyunal para paglingkuran ang sektor ng edukasyon at isang paraan ang 20% fare discount na ito na magiging bahagi ng kanilang insentibo.
“Kung maisasabatas natin ang fare discount para sa mga guro, para na rin nating tinaasan ang kanilang sahod kahit papaano, da-hil ang matitipid nila sa pamasahe ay perang mailalaan nila sa iba pa nilang pangangailangan. Isa pa, sa Teachers’ Fare Discount, parehong public and private school teachers ang makikinabang,” ayon pa kay Alonte-Naguiat.
Naniniwala ang Biñan lady lawmaker na hindi naman magiging pabigat para sa mga operator at drayber ang pagbibigay ng diskuwento sa pamasahe sa teachers dahil marami rin naman ang bilang ng kanilang mga pasahero.
“Sa dami ng mga pasahero ng mga bus, tren, taxi, jeepney, barko, eroplano, at mga TNC tulad ng Grab, mababawi nila ang dis-count sa pamasahe na ipagkakaloob sa mga guro. Ituring na nilang pasasalamat sa teachers ang discount na 20 percent,” aniya.
Sa nakaraang 17th Congress, may dalawang House bills ang naihain patungkol sa pagbibigay ng diskuwento sa pasahe ng mga guro – ang HB 6247 at HB 4040, na hindi nagawang maaprubahan.
Kaya naman sinabi ni Alonte-Naguiat na bago ang pagbubukas ng 18th Congress ay muli niyang bu-buhayin ang nasabing panukala at hihilingin niyang matalakay ito kapwa ng House Committee on Transportation at House Committee on Basic Education. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.