APRUBADO na sa ikalawang pagbasa ang panukala na naglalayong bigyan ang mga estudyante ng 20% discount sa lahat ng uri ng transportasyon.
Sa kasalukuyang batas ay limitado lamang sa land transportation ang pagbibigay ng diskuwento sa pamasahe sa mga estudyante.
Sa ilalim ng House Bill 8885 o ang Student Fare Discount Act, mabibigyan ng 20% fare discount ang mga mag-aaral sa land, water at air transport systems.
Ibig sabihin, obligado nang magbigay ng 20% student fare discount ang mga bus, jeepneys, taxis, tricycle, transport network vehicle services (TNVS), MRT, LRT, gayundin ang mga airline at barko.
Kasama rin ang mga araw ng Sabado at Linggo, gayundin ang holidays na maaaring makapag-avail ng student discount.
Para makapag-avail ng 20% student fare discount sa lahat ng uri ng transportasyon, kailangan lamang magpakita ng valid school ID o enrollment form ang mag-aaral. CONDE BATAC
Comments are closed.