20 GAS STATIONS EXPLAIN SA PAGPAPATAW NG P2 FUEL EXCISE TAX

petrolyo

NAGPALABAS kahapon ang Department of Energy (DOE) ng show cause order laban sa may 20 gasoline stations dahil sa pagpapataw ng P2 excise tax sa kanilang mga produktong petrolyo.

Ayon sa kanilang regulasyon, itse-check ng DOE ang delivery receipts ng mga gas station para ikum­para sa idineklarang imben­taryo ng mga kompanya ng langis para malaman kung ang supply sa pump machine ay bago o luma.

Napag-alaman na sa kasalukuyan, hindi hihigit sa 20 porsiyento ng 8,000 gasoline stations ang nagpataw ng ikalawang bugso ng excise tax sa lumang stock ng ­petrolyo sa merkado.

Sa pagtaya ng DOE, ang mga bagong supply ng mga produktong petrolyo ay magiging available sa Pebrero kung kailan maaaring magpataw ng excise tax ang ibang retail stations.

Sa isinagawang random inspection, natuklasan ng DOE na dalawang retailers sa Makati City ang nagpataw ng P2 excise tax nang walang abiso.

Comments are closed.