20/ KILO NA BIGAS SA KADIWA SA BICOL

ILANG stalls sa ilalim ng “Kadiwa ng Pangulo” ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. ang nagbenta ng P20 kada kilo na bigas sa Bicol Region sa launching nito noong Abril 25, ayon sa National Irrigation Administration (NIA).

Sa isang statement, sinabi ng NIA na inilunsad nito ang Kadiwa ng Pangulo sa Albay-Catanduanes Irrigation Management Office (ACIMO) nito sa Ligao City, Albay.

 Ayon sa NIA, ang mga Kadiwa ng Pangulo stalls ay nag-aalok ng bigas sa halagang P20 kada kilo para sa mga kasapi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), senior citizens, at persons with disability (PWDs).

Nasa P35 kada kilo naman ang presyo ng bigas para sa mga regular customer.

Base sa impormasyon mula sa NIA, ibinenta ang P20 kada kilo na bigas noong nakalipas na linggo  kasabay ng inilunsad na Kadiwa ng Pangulo sa Ligao City, Albay.

Bukod sa bigas, ibinenta rin sa abot-kayang presyo ang sari-saring mga gulay, prutas, delicacies at iba pang farm products.

Ang hakbang na ito ay nagsisilbing paraan ng Irrigators Associations para masuklian ang mga biyayang kanilang natanggap mula sa pamahalaan para sa mga naghihikahos sa buhay.

Naging matagumpay ang programa sa pagsisikap ng NIA sa pangunguna nina NIA Regional Manager Engr. Gaudencio M. De Vera, Albay-Catanduanes IMO Manager Engr. Jessie D. Baynas, at ACIMO IA Federation President Melanio Bañares.

“Despite the challenges posed by the El Niño phenomenon, the harvest remains abundant and continues to flourish. Under the leadership of NIA Administrator Engr. Eduardo Eddie G. Guillen, NIA remains firm to its commitment of increasing rice production and attaining food sufficiency. It is also a vital contribution towards the realization of #BagongPilipinas advocacy of President Ferdinand R. Marcos, Jr.,” sabi ni Engr. Gaudencio M. De Vera.

VERLIN RUIZ